Imbitasyon ng NBI kay VP Sara Duterte kaugnay ng mga paratang ng dating pulis, kinumpirma ng kanyang legal counsel

Hihiling ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa NBI ng opisyal at kumpletong kopya ng sinumpaang salaysay ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. at ng lahat ng kalakip na dokumento dahil wala umanong kalakip na affidavit sa ipinadalang imbitasyon.

Una rito, kinumpirma ng abogado ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paul Lawrence Lim na natanggap na ng Bise Presidente ang imbitasyon ng National Bureau of Investigation o NBI upang dumalo sa isang conference kaugnay ng mga alegasyon ng maleta delivery.

Matatandaang sinabi ni Gracioso na umano’y naghatid siya ng mga maleta na may lamang salapi sa pamilya Duterte.

Dagdag pa ng kampo ng Bise Presidente, kapag natanggap na ang mga hinihinging dokumento ay saka nila pag-aaralan ang nararapat na hakbang na kanilang gagawin.

Kung maalala, una nang sinabi ng NBI na magpapadala sila ng imbitasyon sa pangalawang pangulo, kapatid nitong si Rep. Pulong Duterte maging si dating House Speaker Lord Alan Velasco at asawa nito.

Facebook Comments