Pag-urong sa bribery charges laban kay VP Sara, posibleng makaaapekto sa pagsisiwalat ng katotohanan — Malacañang

Posibleng madehado ang publiko sa pag-atras ng House prosecution panel sa bribery charges laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos sabihin ng House prosecutors na hindi na nila itutuloy ang naturang kaso sa impeachment trial.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, isinama ang bribery sa Articles of Impeachment dahil naniniwala ang prosecution panel na mayroon itong sapat na ebidensya para talakayin ang alegasyon sa impeachment court.

Giit ni Castro, kung uurungan ang naturang kaso, maaaring hindi na malaman ng publiko ang buong katotohanan sa likod ng bribery allegations.

Gayunman, kinilala ni Castro na nasa pagpapasya pa rin ng prosecution panel kung itutuloy o aalisin ang bribery charges.

Facebook Comments