HIGIT 10,000 DOSE NG FLU VACCINE, NAIBIGAY NG LIBRE NG CHO 2

Cauayan City – Umabot na sa higit 10,000 doses ng Flu Vaccine ang naibigay ng libre ng City Health Office 2 sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team, nakapagbigay ng kabuuang 10,140 shots ng libreng bakuna kontra flu ang City Health Office 2.

Kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga estudyante at teaching and non-teaching staffs ng ISU Cauayan, ilang private schools sa lungsod, at DEPED, mga empleyado ng DAR Isabela, DPWH, Personnels at PDL sa BJMP, Bahay-Pagasa, at mga manggagawa sa mga business establishments sa Cauayan.


Ayon sa CHO2, tuluy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng bakuna at maaring magpunta sa kanilang opisina hanggang sa ika-30 ng Enero ngayong taon.

Facebook Comments