MGA PROYEKTO SA BAYAN NG SANTA MARIA, SINURI NG DILG

Cauayan City – Nagsagawa ng pagsusuri at pagsubaybay ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga proyektong pinondohan mula sa Local Government Support Fund (LGSF) sa bayan ng Santa Maria, Isabela.

Kabilang sa sinuri ng Panrehiyon at Panlalawigang Yunit ng Pamamahala at Pagpapaunlad (PDMU) ay ang Level III Water System na pinondohan mula sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB), at ang phase II Poblacion-Divisoria Road Concreting sa Lingaling to Calamagui West na pinondohan naman ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU).

Pinangunahan ni Municipal Engineer Jaylord M. Cauan at ng kanyang mga tauhan, kasama si MLGOO Jemma T. Dela Rosa, ang pagsubaybay kasama ang PDMU upang masiguro ang maayos at transparent na pag-uulat ng progreso ng mga proyekto.


Bukod dito, nagkaroon ng feedback session kasama si Municipal Administrator Christopher A. Tan at iba pang kawani ng LGU kung saan tinalakay ang mga obserbasyon at rekomendasyon para mas mapabuti pa ang implementasyon ng iba pang mga proyekto sa hinaharap.

Facebook Comments