Higit 100,00 trabaho, alok ng DOLE sa Araw ng Kalayaan

46

Tinatayang nasa 122, 985 bakanteng trabaho ang naghihintay sa job seekers, sa isasagawang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Araw ng Kalayaan (June 12).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz na mula sa kabuuang bilang na ito, higit 95, 000 ay local opportunities, habang higit 27, 000 naman ng trabaho abroad.

Bukod sa job fair, magkakaroon din ng one stop shop sa 23 sites na ito sa buong bansa, upang mas madali para sa mga aplikante ang pagproseso ng mga kinakailangang dokumento.


Sinabi ng opisyal na bukod sa pribadong sektor, mayroong rin available na trabaho mula sa ilang tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Polce (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasunod nito hinihikayat ng opisyal ang publiko na makilahok sa naturang job fair.

Facebook Comments