HIGIT 100,000 BATA SA REGION 1, NABAKUNAHAN NA LABAN SA TIGDAS AT RUBELLA

Umabot na sa 101,851 o 22.9 porsiyento ng target population ang mga batang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa buong Region 1, ayon sa Ligtas Tigdas Bulletin No. 5 ng Department of Health–Ilocos Center for Health Development (DOH-Ilocos CHD), as of August 14, 2026.

‎Sa kabuuang bilang, 68,405 o 23.1 porsiyento ang kabilang sa edad 24 hanggang 59 buwan, habang 19,382 o 21.5 porsiyento ang nasa edad 13 hanggang 23 buwan.

‎Samantala, 14,064 o 24.4 porsiyento naman ang mga batang nasa edad 6 hanggang 12 buwan na nabakunahan.

‎Sa mga lalawigan at lungsod sa Region 1, nanguna ang Ilocos Norte na may 20,194 nabakunahan o 47.4 porsiyento, sinundan ng Ilocos Sur na may 15,771 o 32.4 porsiyento.

‎May 16,487 o 26.3 porsiyento naman sa La Union, habang 47,793 o 17.4 porsiyento ang nabakunahan sa Pangasinan.

‎Pinakamababa naman ang naitalang vaccination coverage sa Dagupan City, kung saan umabot sa 1,606 o 10.4 porsiyento ang mga batang nabakunahan.

‎Patuloy ang kampanya ng DOH-Ilocos CHD upang maabot ang bawat batang kabilang sa target population at mapalawak ang proteksiyon laban sa tigdas at rubella sa buong rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments