Habang nagre-recover sa pagbaha ang mga residente, isang walang buhay na katawan ang nakita na lumulutang sa Pantal River sa Barangay Pantal, Dagupan City, bandang alas-1 ng hapon noong Agosto 15, 2026.
Ayon sa isa sa mga rumesponde, isang mangingisda ang nakakita sa katawan at agad iniulat sa Barangay Pantal.
Kabilang sa mga rumesponde ang City DRRMC, Philippine Coast Guard, at City Health Office.
Narekober na ng mga awtoridad ang katawan at napag-alamang residente ng Barangay Pogo Chico ang 44-anyos na lalaking kinilala ng kanyang kapamilya.
Lumalabas sa eksaminasyon na walang foul play na nakita habang inaalam pa ang sanhi ng kanyang pagkasawi.
Samantala, nagpaalala naman ang barangay sa mga residente na huwag magdalawang-isip na ireport agad sa kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










