Wednesday, August 12, 2026

PH gaming humina ng 20% sa Q2

UMABOT sa Php88.13 bilyon ang gross gaming revenues (GGR) ng Philippine gaming industry sa ikalawang quarter ng 2026, mas mababa ng 20.33 porsiyento kumpara sa Php110.63 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, malaking dahilan ng pagbaba ng kita mula Abril hanggang Hunyo ang paghina ng electronic gaming segment, bukod sa iba pang dahilan gaya ng muling paglala ng tensyon sa Middle East.

“The decline was driven by several factors, including the impact of inflation and the geopolitical crisis in the Middle East, which weighed on consumer spending, particularly on discretionary activities,” ani G. Tengco.

Base sa pinakahuling datos ng PAGCOR, pinakamalaking pinagkukunan ng GGR ang licensed casinos na nakapagtala ng Php45.37 bilyon o 51.49 porsiyento ng kabuuang kita sa ikalawang quarter.

Sumunod ang electronic gaming sector, kabilang ang E-Games, E-Bingo, bingo at poker, na nakapag-ambag ng Php39.85 bilyon o 45.21 porsiyento ng kabuuang GGR.

Samantala, umabot sa Php2.90 bilyon ang GGR mula sa mga casino na pinatatakbo ng PAGCOR, katumbas ng 3.30 porsiyento ng kabuuang kita sa second quarter.

Umaasa naman si G. Tengco na makababawi ang gaming industry, kasabay ng mga hakbang ng mga operator na pagandahin ang serbisyo, gumamit ng mga bagong teknolohiya at palakasin ang responsible gaming measures.

“PAGCOR remains committed to implementing measures that will help increase GGR and further strengthen the industry’s performance,” aniya. “We will continue working with our stakeholders to ensure that the gaming industry remains a meaningful contributor to nation-building,”

Noong nakaraang buwan, iniulat ni G. Tengco na bumaba ng 26.64 porsiyento ang kabuuang revenues ng PAGCOR sa unang kalahati ng 2026 dahil sa paghina ng kita mula sa gaming operations.

Facebook Comments