PAMILYANG LUMIKAS DAHIL SA BAHA, NINAKAWAN ANG BAHAY SA BAYAN NG CALASIAO PANGASINAN

PAMILYANG LUMIKAS DAHIL SA BAHA, NINAKAWAN ANG BAHAY SA BAYAN NG CALASIAO PANGASINAN
Nabiktima umano ng pagnanakaw ang isang residente sa Barangay Talibaew, Calasiao, Pangasinan, noong August 15, 2026 ala una ng hapon kung saan mahigit ₱10,000 ang halaga ng perang at pagkain na sinasabing natangay ng hindi pa nakikilalang suspek.

‎Ayon sa biktimang si Reymark Calaunan, sinamantala umano ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ang pagtaas ng baha sa kanilang lugar habang nasa evacuation center ang kaniyang buong pamilya.


‎Hindi umano nila inaasahan ang nangyari, lalo na’t labis na nabalisa ang kaniyang ina dahil kabilang sa mga nawala ang perang matagal nilang pinag-ipunan.


‎Agad kaming nagtungo sa tanggapan ng Barangay Talibaew upang ipaalam ang insidente.

‎Balak din ng biktima na ipa-blotter ang nangyari upang maimbestigahan at mabigyan ng kaukulang aksyon.

‎Sa panayam ng iFM News Dagupan kay Elpidio U. Untalan, Punong Barangay ng Talibaew, sinabi nitong wala umano silang natanggap na ulat hinggil sa mga katulad na insidente sa kanilang lugar.

‎Dahil dito, magbibigay umano siya ng abiso sa kaniyang mga tauhan upang magsagawa ng roving patrol sa mga sitio ng barangay, lalo na sa mga lugar na posibleng maiwan ng mga residente dahil sa paglikas.


‎Samantala, nagpaabot naman ng panawagan si Calaunan sa mga taong umano’y kumuha ng kanilang mga ari-arian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments