Grade 9 student, huli sa buy-bust operation ng mga otoridad

23

Arestado ang isang grade 9 student na babae sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Burgos sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ang grade 9 student na si Wesli Manalili, 18-anyos at nakauniporme pa nang mahuli ng mga otoridad.


Ayon sa PDEA, matagal na nilang minamanmanan ang estudyante dahil sa pagbebenta ng marijuana sa social media.

Nahuli si Manalili matapos na pagbentahan ng marijuana ang isang nagpanggap na buyer sa nasabing lugar.

Hawak na ngayon ng mga otoridad si Manalili habang nakuha naman sa kanya ang ilang paraphernalia at buy-bust money.

Facebook Comments

From Advertisers