
Magpapatupad ng mahigpit na monitoring system ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga family food packs, at iba pang food at non-food items na nakapreposisyon sa major hubs, spokes, and last-mile facilities ng ahensya.
Kasunod ito ng findings noong 2025 ng Commission on Audit na may na-pesteng P106.93-million na halaga ng relief goods sa mga warehouse ng ahensya sa Northern Mindanao.
Binigyan diin ni Dumlao na geographically isolated ang nasabing insidente, at hindi rin umano na-expire ang mga naapektuhan relied goods sa loob ng warehouse.
Dagdag pa rito, 312 items umano ang may damage pero karamihan ng relief goods sa Region 10 ay na-secure at handang ipamahagi anumang oras.
Gayumpaman ay kinikilala umano ng ahensya ang findings ng komisyon at nangakong gagawan nila ng paraan para hindi na maulit ito.
Samantala, magkakasa umano ang ahensya ng quarterly inspection sa lahat ng kanilang warehouse, kasama ang warehouses ng mga partner LGUs, para masigurado na lahat ng relief goods na ipapamahagi ay malinis at ligtas.










