Higit 20,000 na pasahero, naitala ng PCG sa mga pantalan

40

Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang nasa higit 20,000 pasahero.

Ito’y sa ilalim ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na Oplan Balik Eskwela 2022.

Sa datos ng PCG, nasa 9,992 outbound port passengers sa buong bansa ang kanilang na-monitor.


Umaabot naman sa 10,211 inbound port passengers ang kanilang naitala kung saan inaasahan ng PCG ang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na weekend.

Kaugnay nito, nasa 2,269 ang idineploy na personnel ng PCG na magbabantay sa 15 distrito nito.

Base naman sa monitoring ng mga Coast Guard District, nasa 143 vessels at 79 motorbancas ang sumalang na sa ginagawa nilang inspeksyon.



Sa kasalukuyan, nananatiling naka-heightened alert ang lahat ng districts, stations at sub-stations ng PCG na magtatagal ng hanggang August 29, 2022.

Ito’y upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante at ibang pasahero na magtutungo sa mga pantalan para sa muling pagbubukas ng klase.


Facebook Comments