Higit 200,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat ng mga awtoridad sa Cavite

Nasa higit kumulang 40 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng awtoridad mula sa dalawang indibidwal sa isang buy-bust operation sa isinagawa ng Dasmariñas Component City Police at ng Intelligence and City Drug Enforcement Team sa Barangay San Agustin 3, Dasmariñas City, Cavite.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa P267,580 ang halaga.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay nasa pagsusuri na ng provincial forensic unit sa Imus, Cavite.


Inaayos na rin ang inquest proceeding ng dalawang suspek sa Office of the City Prosecutor sa Dasmarinas, Cavite

Facebook Comments