
Tinututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lumalaking papel ng artificial intelligence (AI) sa mga industriya sa bansa.
Kabilang dito ang posibleng paggamit ng AI para sa disinformation campaigns.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na bagama’t bahagi ng mandato ng DOLE na bantayan ang kapakanan ng mga manggagawa, nakasalalay ang regulasyon sa AI kung makakasama o mapanganib ito sa mga empleyado.
Gayunpaman, ayon kay Laguesma, sa harap ng mga hamon na ito ay nananatiling determinado ang DOLE na tiyakin ang proteksyon at kagalingan ng mga manggagawa sa harap ng mabilis na pagbabago sa nasabing sektor.
Facebook Comments