HIGIT 30 BAGS NG BASURA, NAKOLEKTA SA ISINAGAWANG PAGLILINIS SA BAYBAYING DAGAT SA BONUAN BINLOC, DAGUPAN CITY ‎

Umabot sa higit 30 bagss ng basura ang nakolekta sa isinagawang clean up drive activity sa baybaying dagat mula sa pangunguna ng IFM Dagupan, mga lupon ng Barangay Binloc at iba pang volunteer.

‎Ilan sa nakolekta ay mga plastic, mga disposable utensils, tsinelas at iba ng solid waste na naiiwan ng mga bumibisita sa dagat na lubhang nakasisira at nakasasama sa kalusugan at kalikasan lalo na sa karagatan.

‎Binigyang din ng ilan sa boluntaryong tumulong ang kahalagahan ng paglilinis ng kapaligiran bilang isa sa hakbang upang maiwasan ang iba’t-ibang sakit at maligtas mula sa polusyon ang kalikasan tulad ng dagat.

‎Hinikayat rin ang mga residente na manguna at maging responsable sa kanilang kapaligiran at iwasang basta-basta na lamang magtatapon ng basura kung saan-saan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments