SEGURIDAD SA BRGY. PANTAL,PINAIIGTING SA PAMAMAGITAN NG MAHIGPIT NA PAGPAPATROLYA 

Tinitiyak ng Lupong tagapamayapa ng Barangay Pantal, Dagupan City na mahigpit ang kanilang isinasagawang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Marlon Calimlim, Barangay Administrator, bagamat aminadong malawak ang kanilang nasasakupan ay hindi umano sila nagkukulang sa pagbabantay sa seguridad at nagsasagawa ng mga pagpapatrolya sa buong paligid ng barangay.

Kasama rin umano nila sa pagpapatrolya lalo sa gabi ang mga hanay ng pulisya at iba pang kasapi ng barangay upang matiyak na sumusunod sa mga ordinansa at patakaran ang mga residente lalo na sa gabi.

Nagbigay paalala ang barangay sa kanilang mga nasasakupan na maging mapagmatyag at umiwas sa ano mang kaguluhan lalo na ang mga kabataan upang mapanatili ang kapayapaan sa barangay at maiwasan ang ano mang uri ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments