Tuesday, October 13, 2026

Pagharang ng China sa medical evacuation ng sundalo sa BRP Sierra Madre, hindi katanggap-tanggap ayon kay PBBM

Hindi katanggap-tanggap para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagharang ng China sa medical evacuation ng isang sundalong nagkasakit sa BRP Sierra Madre, na nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Ayon sa Pangulo, maaaring talakayin ang insidente sa mga pag-uusap ng Pilipinas at China kaugnay ng provisional understanding at ng panukalang Code of Conduct (COC) sa West Philippine Sea (WPS).

Pinapakita lamang aniya ng insidente ang tumitinding tensyon sa pinag-aagawang karagatan.

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga kaalyadong bansa sa patuloy na pagsuporta sa Pilipinas.

Pinuri rin niya ang mga awtoridad sa pagtulong sa mga mangingisda at pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa WPS sa kabila ng pangha-harass ng mga awtoridad ng China.

Facebook Comments