Sa paggunita ng Undas, bahagi pa rin ng tradisyon sa Pangasinan ang paghahanda ng inlubi, isang tradisyunal na kakanin na gawa sa deremen.
Sa Lingayen, nagsimula nang magtinda ng deremen at kandila ang ilang negosyante bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mamimili bago ang November 1.
Isa na rito si Anna May Trinidad, na nagsimulang magbenta ng deremen sa Lingayen Public Market noong nakaraanglinggo.
Ayon kay Trinidad, bagama’t matumal pa ang bentahan sa ngayon, inaasahang dadami ang mga mamimili sa Oktubre 31at Nobyembre 1, kasabay ng pagdagsa ng mga dadalaw sa mga sementeryo.
Nagkakahalaga ng ₱40 kada takal ang deremen na kanilang ibinebenta, na nagmula pa umano sa Bayambang.
Mayroon ding ibang uri ng deremen, kabilang ang nagmumula sa Aguilar.
Bahagi ng tradisyon sa Pangasinan ang paghahanda ng inlubi tuwing Undas.
Ang inlubi ay isang tradisyunal na kakaninggawa sa deremen na inilalagay ng ilang pamilya sa altar bilang atang para sa mga yumaong kamag-anak bago tumungo sa sementeryo.
Sa pamamagitan ng tradisyong ito, patuloy na naipapasa sa mga susunod na henerasyon ang kultural na pamana ng Pangasinan sa paggunita sa mga yumao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










