Nagkaloob ng kabuuang ₱50,000 na tulong pinansyal ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Regional Welfare Office I sa pamilya ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na pumanaw sa Hong Kong.
Personal na dinalaw ng mga kawani ng na nasabing ahensya ang pamilya ng OFW sa kanilang tahanan sa Santa Maria, Pangasinan upang magpaabot ng pakikiramay at suporta sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Nagtrabaho bilang domestic worker sa Hong Kong ang OFW na pumanaw noong September 22, 2026.
Ang tulong pinansyal na ipinagkaloob ng OWWA ay binubuo ng ₱20,000 na Bereavement Assistance sa ilalim ng Welfare Assistance Program o WAP at ₱30,000 mula sa Special Financial Assistance o SFA upang maging tulong na maibsan ang pinansyal na pasanin pati gastusin ng naiwang pamilya ng yumaong OFW.
Nakapagbigay na rin ang OWWA ng funeral transportation assistance para sa pagdadala ng mga labi ng OFW mula sa PAL Cargo Terminal patungo sa tahanan ng pamilya sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










