Higit 60 hired on the spot, naitala sa isinagawang mini job fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa lungsod ng Caloocan

Nakapagtala ang DZXL 558 Radyo Trabaho ng higit sa anim-naput hired on spot sa isinagawang mini job fair sa lungsod ng Caloocan.

Una nang nagpasalamat ang mga opisyal ng Brgy. 188 North Caloocan at residente nito dahil sa tulong ng programa upang magkaroon ng trabaho yung mga naninirahan rito.

Ayon sa ilang aplikante, malaking bagay aniya ang ganitong klaseng mini job fair, bukod sa nakakaaliw na dahil sa mga pa premyo at palaro maging ang mga merchandise ay eh hindi na raw sila mahihirapan pa lalo na’t trabaho na ang lumalapit sa kanila.


Samantala, nagpapasalamat naman ang DZXL Radyo Trabaho sa mga katuwang sa mini job sa Manila Water, Reyes Haircutters, ACS Manufacturing Corporation makers of Shield Bath Soap and Unique Toothpaste.

Paka-abangan din ang susunod ang mini Job fair ng DZXL 548 Radyo Trabaho sa Manila at Bulacan.

Facebook Comments