DOJ, tambak na ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni dating BuCor Chief Bantag

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na tambak na ang impormasyong natatanggap nila kaugnay sa lokasyong kinaroroonan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Ito ay kasunod ng alok na ₱3 Million reward money sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Bantag at ng ex-deputy officer nitong si Ricardo Zulueta.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, marami na silang nakalap na impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga akusado.


Gayunpaman, kailangan nilang suriin ang mga ito at alamin ang kredibilidad ng mga ulat.

Matatandaang sina Bantag at Zulueta ay itinuturing na mga pangunahing suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa, o Percy Lapid noong October 3, 2022.

Facebook Comments