Arestado ang isang 39 anyos na lalaki na itinuturing na High-Value Target (HVT) sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office I sa Barangay Poblacion, Urdaneta City noong July 28, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Neil,” na nahuli matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover operative.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱20,400, buy-bust money, at isang cellphone na umano’y ginamit sa ilegal na transaksiyon.
Ayon sa PDEA, matagal nang sangkot ang suspek sa ilegal na droga at aktibo na umano mula pa noong 2019. Lumabas din sa kanilang intelligence report na dalawang beses na itong naaresto noon dahil sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Batay sa imbestigasyon, residente ang suspek ng Agoo, La Union at madalas umanong bumiyahe patungong Pangasinan upang kumuha ng suplay at magbenta ng ilegal na droga sa mga lokal na tulak sa mga karatig-bayan.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Pangasinan Provincial Office sa tulong ng PDEA Dagupan City District Office, Urdaneta City Police Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1 (PNP PDEG SOU-1).
Binigyang-diin ni PDEA Regional Director Julius M. Paderes na hindi magiging hadlang ang hangganan ng mga lalawigan upang makatakas ang mga sangkot sa ilegal na droga sa pagpapatupad ng batas.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments