Thursday, August 6, 2026

House prosecution, nakahinga na nang maluwag dahil wala nang magiging sagabal sa proseso ng impeachment laban kay VP Duterte

Nakahinga nang maluwag ang House Prosecution Panel dahil wala nang magiging sagabal sa proseso ng impeachment, partikular sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua makaraang ibasura ng Supreme Court ang petisyon nina Vice President Sara Duterte laban sa impeachment proceedings na isinagawa ng House Committee on Justice.

Ayon kay Chua, dahil dito ay hindi na kakaba-kaba ang panig ng prosekusyon na baka bukas o makalawa ay patitigilin ang impeachment trial dahil may pasya ang Kataas-taasang Hukuman na labag ito sa Konstitusyon.

Giit ni Chua, dahil sa ruling ng High Tribunal ay wala nang dapat pagdudahan sa nagpapatuloy na impeachment trial kaya tiyak nang magtutuloy-tuloy ang presentasyon ng mga ebidensiya sa mga alegasyon laban kay Vice President Sara na nakapaloob sa apat na articles of impeachment.

Facebook Comments