Higit P24-B smuggled na produkto, nasabat ngayong Enero ayon sa BOC

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na nagsagawa ito ng 709 seizures, kung saan nakumpiska ang puslit na produkto na may tinatayang halaga na P24.28 bilyon ngayong Enero.

Sa naturang halaga, P12 bilyon ang nakumpiskang iligal na droga, P7.69 bilyong pekeng produkto at P1.87 bilyong agricultural products.

Ayon kay BOC Spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., karamihan sa nakumpiskang agricultural products ay galing China.


Nagsagawa na rin aniya ang DA ng pulong at talakayan sa BOC para palalalimin at palakasin ang pagsisikap laban sa illicit trade ng agricultural products.

Nagtalaga rin umano ang Agriculture Department ng focal persons para mabilis na ma-validate ang issued permits.

Facebook Comments