Presyo ng diesel, gasoline, tataas bukas; kerosene, may karampot na rollback

May taas-presyo na naman sa diesel at gasolina bukas!

Epektibo alas-6:00 ng umaga, aarangkada ang ₱0.95 na taas-presyo sa kada litro ng gasolina at ₱0.50 sa diesel ng mga kumpanyang Shell at Seaoil.

Ang good news, magpapatupad sila ng ₱0.15 na rollback sa kerosene.


Samantala, kaparehong oil price hike din sa diesel at gasolina ang ipatutupad ng Cleanfuel na epektibo naman alas-4:01 ng hapon bukas.

Mamayang hapon, inaasahang mag-aanunsyo rin ng kani-kanilang oil price adjustment ang iba pang kompanya ng langis.

Facebook Comments