Wednesday, October 28, 2026

Himlayang Pilipino Memorial Park sa QC, handa na para sa pagdagsa ng mga tao sa Undas 2026

Handa nang salubungin ng pamunuan ng Himlayang Pilipino Memorial Park sa Barangay Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City ang libo-libong taong bibisita sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong darating na Undas.

Ayon kay Engineer Michael Abiog, Park Manager ng Himlayang Pilipino, papayagan nilang mag-overnight ang mga bibisita sa sementeryo mula October 31 hanggang November 1.

Pagsapit ng October 31, ang gate sa Himlayan road lang ang gagamiting entrance ng sementeryo, habang magiging exit naman ang 2 gate sa Barangay Road at ang bagong bubuksan na gate sa Visayas Avenue.

Pero, ayon kay Abiog, ipatutupad nila ang panibagong arraingment ng mga gate sa October 30 o bukas, sakaling magsimula nang bumigat ang daloy ng mga sasakyan sa nasabing sementeryo; nakipag-ugnayan na rin umano sa Quezon City government noong October 8 ang pamunuan ng sementeryo tungkol dito.

Samantala, inaasahan naman na aabot sa humigit-kumulang 150-K katao ang bibisita sa mahigit 49-K na nakalibing sa sementeryo.

Aabot naman sa 30 hanggang 60 ang augmentation na nakatakdang magbantay sa seguridad ng sementeryo mula sa Philipine Air Force reservies at army.

Facebook Comments