Wednesday, October 28, 2026

Babaeng nagbebenta ng hindi rehistradong baby diapers, arestado sa Bulacan

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng mga representatives mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Pulilan Municipal Police Station ang isang babae na nagbebenta ng hindi rehistradong baby diapers sa isang warehouse sa Brgy. Sta. Peregrina, Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Maria” at siya ay inaresto matapos mahuling nagbebenta at nagdi-distribute ng iba’t ibang baby diapers na bukod sa hindi rehistrado ay bigong magka-comply sa minimum labeling requirements para sa consumer product na ayon sa DTI.

Narekober sa kanya ang 170 bundles ng iba’t ibang baby diapers na tinatayang nagkakahalaga ng 180 thousand pesos.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines ang nasabing indibidwal.

Nagbabala naman ang CIDG na ang mga ganitong klase ng produkto na walang maayos na label ay kinokonsidera bilang non-compliant sa consumer protection regulations dahil mahirap mai-trace ang manufacturer at importer nito.

Dagdag pa ng CIDG, maaring may mga nakatagong chemical residues, allergens o substandard materials ang mga produkto na ito na maaring magdulot ng impeksyon sa balat at toxic exposures sa mga sanggol.

Facebook Comments