Web application para sa rehabilitation and recovery plan sa gitna ng mga kalamidad, inilunsad ng PHIVOLCS-DOST

33
courtesy of PHIVOLCS-DOST

Inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology-Department of Science and Technology (PHIVOLCS-DOST) ang isang bagong binuo na automated planning tool para sa disaster rehabilitation and recovery.

Isang web application na tinatawag na PlanSmart Ready to Rebuild.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD), PHIVOLCS-DOST at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng The World Bank at iba pang ahensya ng miyembro ng NDDRMC ay naglalayong baguhin ang disaster risk reduction and management planning processes sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng app.


Ang PlanSmart Ready to Rebuild planning tool ay naglalayon na tulungan ang mga Local Government Unit (LGU) na mabilis na bumalangkas ng komprehensibong Rehabilitation and Recovery Plan sa gitna ng mga kalamidad.

Ang nasabing app ay nakatutok upang mapabuti ang mga kakayahan sa paggawa ng desisyon ng mga LGU sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tool upang mapabuti ang kani-kanilang mga plano para sa mga kaganapan bago at pagkatapos ng kalamidad.

Nakatakdang mag-pilot ang app sa 137 LGUs sa loob ng National Capital Region, Calabarzon, Bicol, Central Visayas at CARAGA regions.



Facebook Comments