Wednesday, July 15, 2026

Bantay Senado, nanawagan sa impeachment court na iwasan ang teknikalidad sa impeachment trial

Nanawagan ang grupong Bantay Senado sa impeachment court na iwasang maantala ang paglilitis dahil sa mga teknikal na usapin.

Sinabi ni Prof. Cleve Arguelles, tagapagsalita ng Bantay Senado, na dapat pagtuunan lamang ang mahahalagang isyung nakapaloob sa reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, malaki ang papel ng presiding officer na upang malinaw at madaling maunawaan ng publiko ang mga argumento ng prosecution at defense, dahil ang impeachment trial ay sinusubaybayan ng mga ordinaryong mamamayan.

Iginiit din ng Bantay Senado na hindi dapat maging paligsahan ng mga abogado ang proseso.

Anila, mas mahalagang matukoy kung ang mga umano’y pahayag ng bise presidente ay maaaring ituring na betrayal of public trust, sa halip na malihis ang pagdinig sa mga teknikalidad.

Samantala, sinabi ng grupo na unang beses nilang nagsagawa ng public viewing ng impeachment trial sa isang simbahan.

Bahagi umano ito ng kanilang layuning mapalawak ang partisipasyon ng publiko at maipalaganap ang pagtalakay sa usapin ng impeachment sa iba’t ibang komunidad.

Facebook Comments