
Hindi na maghahain ang House Prosecution Panel ng komento sa Pre-Trial Order kaugnay ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte na nakatakdang magsimula sa Lunes, July 6.
Sinabi ito ni House Prosecution Team Legal Spokesperson at Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa.
Ayon kay Tolosa, kung maghahain ang prosekusyon ng komento sa pre-trial order ay baka magamit pa itong dahilan para ma-delay ang paglilitis kay VP Sara.
Paliwanag pa ni Tolosa, wala namang “significant issues” sa Pre-Trial Order na nangangailangan ng pagwawasto.
Ang Pre-Trial Order ay kinapapalooban ng mga napagkasunduan ng prosekusyon at depensa na syang magsisilbing gabay para sa buong proseso ng impeachment trial.
Facebook Comments










