Monday, July 6, 2026

Posibleng suspensyon ni Sen. Marcoleta, Senado na ang magpapasya — Malacañang

Nasa Senado na ang pagpapasya kung awtomatikong isususpinde ang isang senador na nahaharap sa kasong plunder at kung ano ang gagawin sa operasyon at pondo ng kaniyang opisina.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakasaad sa batas na dapat ay awtomatikong masuspinde ang isang opisyal na naaresto dahil sa plunder pero ang Senado pa rin ang magpapatupad nito.

Hindi rin aniya makatarungang magpatuloy ang pagpapasuweldo kung wala namang aktuwal na trabaho sa opisina dahil masasayang lamang ang pondo ng gobyerno.

Dagdag pa niya, maaaring magsilbi itong paalala sa mga opisyal na umiwas sa korapsyon upang hindi madamay ang kanilang mga empleyado.

Binigyang-diin ng Palasyo na hindi pakikialaman ng ehekutibo ang magiging desisyon ng Senado.

Facebook Comments