Monday, July 6, 2026

Dating Rep. Mike Defensor at Joseph Espiritu, dinala na sa Quezon City Jail

Nakaposas nang dumating sa Sandiganbayan sina dating Rep. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu matapos arestuhin kaninang umaga.

Pasado alas-dos ng hapon nang dalhin sa Sandiganbayan mula sa Camp Crame sina Defensor at Espiritu para sa pagbabalik ng warrant of arrest na isinilbi sa kanila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Alas- 3:30 naman nang umalis sila sa Sandiganbayan at dalhin na sa Quezon City Jail kung saan sila mananatili habang dinidinig ang kasong plunder na inihain laban sa kanila ng Office of the Ombudsman.

Ilang sandali mula nang pumasok sa loob ng piitan, dinala na rin sa loob ang mga gamit ni Defensor.

Bukod kina Defensor at Espiritu, ngayong araw din nang arestuhin si Senador Rodante Marcoleta.

Samantala, ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na plunder ang itinuturing na pinakamatinding batas kontra korapsiyon.

Sinabi ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato na nakasaad sa Plunder Law na maaaring kasuhan ang isang opisyal ng gobyerno sa pagtanggap ng anumang regalo na aabot sa P50 million.

Pero paglilinaw ng Justice department, hindi ito nangangahulugang guilty na ang isang akusado at sa halip ay batayan para ituloy ang proseso sa paglilitis.

May karapatan din aniya ang sinumang akusado na marinig ang kaniyang paliwanag at depensahan ang sarili at ituturing na inosente hanggat hindi pa nahahatulan.

Facebook Comments