Monday, July 6, 2026

Senate Impeachment Court, nanindigan na 2/3 o 16 na boto pa rin ang kailangan para sa conviction ni VP Sara Duterte; ilang senador, umapela na payagan ang mga kasamahang naka-detain na makalahok sa impeachment trial

Nilinaw ng Senate Impeachment Court ang threshold ng boto na kakailanganin para magkaroon ng conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero na susundin ang nasa Konstitusyon kung saan 2/3 mula sa kabuuang bilang ng mga myembro ng Senado ang kakailanganin para mapa-convict ang bise presidente o 16 na boto mula sa 24 na senador.

Tinukoy ni Escudero na maski noong nahalal bilang Vice President si noo’y Senator Gloria Macapagal-Arroyo kung saan naging 23 na lamang ang mga senador noon, nanindigan pa rin na ang mga Senador ay dapat buuhin ng 24 na myembro at ang 2/3 ng boto ay 16 na mga senador.

Iginiit pa ng presiding officer na sang-ayon man sila o hindi ay kailangan nilang sumunod sa nasasaad sa Konstitusyon.

Ikinalugod naman ni Senator-judge Alan Peter Cayetano ang paglilinaw na ito pagdating sa bilang ng botohan ng bawat articles of impeachment subalit umapela ito sa impeachment court na payagan sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Rodante Marcoleta na makalahok sa diskusyon ng impeachment.

Naniniwala si Cayetano na kung papayagan ang mga nabanggit na senador ay makakadagdag ito sa integridad ng impeachment proceedings.

Facebook Comments