Monday, May 18, 2026

House Prosecution Team, nagpasya na huwag muna agad dumiretso sa loob Senado

Nagpasya ang 11 myembro ng House prosecution team na huwag muna agad dumiretso sa Senado ngayong araw para saksihan ang pag-convene ng Impeachment Court.

Ayon sa isa sa mga prosecutor na si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, mananatili muna sila sa isang hindi binanggit na lugar malapit sa Senado at maghihintay ng abiso kung sila ay pwedeng magpakita sa Senado.

Paliwanag ni De Lima, sa ngayon ay hindi pa nila alam kung kakailanganin na ang presensya nila sa pormal na pag-convene ng Senate Impeachment Court.

Binanggit ni De Lima na ngayong araw ay nakatakda ding isumite o i-file ang formal entry of appearance ng panel of prosecutors para sa inaasahang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments