Cybercrime hub, itatatag sa mga paliparan

Magtatatag ang Bureau of Immigration (BI) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng mga cybercrime hub sa iba’t ibang paliparan sa bansa.

Layon nito na mapabilis ang pag-aksyon sa mga nasasabat na kaso na idinadaan sa bansa.

Ang CICC ang pangunahing ahensya ng gobyerno na lumalaban sa mga cybercrime.


Sa kasunduan, magbibigay ang BI ng tulong sa mga imbestigasyon sa cybercrime at online fraud na sangkot ang mga dayuhan na pumapasok at nananatili sa bansa.

Facebook Comments