HULING ARAW NG BAR EXAMS │Seguridad, titiyakin ng MTPB

Manila, Philippines – Magdadagdag ng mga traffic enforcers ang Manila Traffic and Parking Bureau upang mag-alalay sa mga motorista na dadaan sa paligid ng University of Sto. Tomas kaugnay sa huling araw ng Bar Examination.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, bukod sa mga traffic enforcer ipapakalat din nila ang mas maraming mga pulis sa lugar upang matiyak ang seguridad ng mga kumukuha ng Bar Examination kung saan mga subject na Remedial Law, at Legal Ethics ang kukuhanin ng mga Barista.
Walang dapat ikabahala ang publiko dahil mayroon din umano silang ipapakalat na mga K-9 units sa paligid ng UST.

Facebook Comments