Thursday, July 9, 2026

Senador, hiniling sa prosekusyon at depensa na diretsahin na ang mga punto sa impeachment trial

Umapela si Senator-judge Bam Aquino sa parehong prosecution at defense panel na tumbukin na agad ang gustong punto sa paglilitis at iwasan ang pagpapaligoy-ligoy sa mga tanong.

Batid ni Aquino na may kanya-kanyang istilo ang dalawang panig sa paghimay at pagtatanong sa mga testigo subalit pakiusap ng senador ay payagan ang tuloy-tuloy na paglalahad ng testimonya at kung maaari ay “straight to the point” ang direksyon ng impeachment proceedings.

Ayon kay Aquino, nais nilang mga senator-judges na mas maunawaan ang paglilitis at mas madaling maintindihan ang ebidensya.

Hiling ng senator-judge sa prosecution at defense panel, na sa mga susunod na testigong isasalang ay diretsahan na ang gawing direct at cross examination.

Nauna na ring hiniling ng senador ang pagsasapubliko ng lahat ng mga ebidensyang ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments