Bawat iskolar ay nakatanggap ng tig-₱20,500 na pinansiyal na tulong na maaaring gamitin sa pagbabayad ng matrikula at iba pang gastusin sa kanilang pag-aaral.
Layunin ng programa na maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya at matiyak na mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Dagupeño na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon hanggang sa pagtatapos.
Naging katuwang naman sa pagsasagawa ng payout ang Dagupan City Scholarship Program Committee, City Treasury Office, at Teen Center.
Sa pamamagitan nito, muling pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ang pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon at pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang oportunidad para sa mas magandang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








