HYBRID SOLAR POWER SYSTEM, IPINATUPAD SA BARANGAY BONUAN BINLOC COMPLEX

Isang makabuluhan at napapanahong proyekto ang naisakatuparan sa Barangay Bonuan Binloc sa pamamagitan ng City Financial Aid sa bawat barangay—ang pagkakabit ng Hybrid Solar Power System sa Barangay Bonuan Binloc Complex.

Layunin ng proyekto na makatulong sa pagpapababa ng konsumo at gastusin sa kuryente ng barangay, lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gastusin dulot ng inflation.

Malaking tulong umano ang proyekto upang mabawasan ang buwanang gastusin sa kuryente ng barangay.

Sa pamamagitan ng pagtitipid sa konsumo ng kuryente, mas malaki ang pondong maaaring mailaan ng barangay sa iba pang mga programa at proyektong direktang mapapakinabangan ng mga residente.

Dahil dito, nagkakaroon ang Barangay Bonuan Binloc Complex ng mas flexible at episyenteng sistema ng suplay ng kuryente na maaaring makatulong hindi lamang sa pagtitipid kundi maging sa paghahanda sa mga pagkakataong kinakailangan ang alternatibong power source.

Itinuturing ng barangay ang proyekto bilang isang produktibo, praktikal, at makakalikasang hakbang tungo sa mas episyenteng paggamit ng pondo at enerhiya para sa kapakinabangan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments