Umabot sa 3,000 food packs ang ipinagkaloob ng mga Religious Groups sa mga benepisyaryo sa Dagupan City, upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Bawat food pack ay naglalaman ng limang kilo ng bigas, canned goods, beans, noodles, at mga sachet ng chocolate powdered drink, na naglalayong makatulong sa pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang nangangailangan ng agarang food assistance.
Sa pamamagitan ng donasyong ito, mas marami pang apektadong pamilya ang maaaring maabot at mabigyan ng tulong, partikular ang mga nakaranas ng epekto ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, bagyo, at Habagat.
Ang naturang inisyatiba ay patunay ng kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa panahon ng kalamidad, lalo na sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang higit na nangangailangan ng suporta.
Malaking tulong ang 3,000 food packs sa mga kababayang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng mga nagdaang kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











