
Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa epetkto ng mga bagyo at Southwest Moonsoon o Hanging Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mula sa 33 na naiulat kahapon ,umakyat na sa 34 ang naiulat na nasawi dahil sa sama ng panahon.
Samantala, nasa mahigit 9 na milyong indibidwal o katumbas ng 2.6 milyong pamilya ang naiulat na apektado mula sa mga region I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA.
Habang nasa mahigit 135,000 naman na indibidwal ang naiulat na nananatili sa mahigit 1,000 evacuation centers sa bansa.
Kaugnay nito, nasa 178 naman na mga lugar sa Luzon ang nagdeklara ng state of calamity.
Facebook Comments










