Tuesday, August 4, 2026

Iba pang transport groups, mapipilitang sumama sa tigil-pasada kung hindi mabibigyang solusyon ang mataas na presyo ng petrolyo

Umaaray na rin ang iba pang transport groups sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ito ay kahit nagpatupad ngayong araw ng kakarampot na rollback sa presyo ng langis ang mga oil company.

Ayon kay UV Express National Alliance of the Philippines Chairman Exequiel Longares, posibleng huminto na muna sila sa pamamasada kung hindi pa tuluyang bababa ang presyo ng langis.

Mapipilitan din silang sumama sa iba pang grupo na magsasagawa ng tigil-pasada para ipanawagan ang provisional fare increase.

Kahapon nang isagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasama ang mga transport leaders ang pagdinig kaugnay sa petisyon na humihirit ng taas-pasahe.

Facebook Comments