Wednesday, April 29, 2026

Mga nakabinbin petisyon hinggil sa isyu ng political party sa BARMM, hiniling sa Korte Suprema na resolbahin na

Nagtungo sa Korte Suprema ang ilan mga leaders ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula sa AMANA para kwestyunin ang nakabinbin petisyon.
Ito’y may kaugnayan sa nalalapit na Parliamentary Elections sa BARMM kung saan resolbahin muna ang isyu ng political party.

Ayon sa mga petitioner na sija Sultam Alim Saad Amate at Maulana Mamutuk, hindi dapat napapasama sa mga politcal parties ang hindi nakakapaloob o nasa labas ng distrito sa BARMM.

Giit nila, nasa 10 regional parties ang naaprubahan na pero, nanatil isang United Bangsamoro Justice Party na political party ng MILF ang naka-pending at tila hindi pa pinapayagan.

Sinabi ni Mamutuk, mas maiging maisama o ma-recognized ang nasabing pulitikal party lalo na’t paraan ito upang ipakita ng MILF ang kanilang suporta sa peace agreement.

Bukod dito, nananawagan din sila aa COMELEC na iresolba ang mga naka-pending na sa BARMM party lalo na’t ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidancy ay sa May 7. 2026 na.

Facebook Comments