Ice candy vendor na laki sa ampunan, nakapagtapos nang Cum Laude

Ang panghimagas sa maraming Pinoy, pantawid sa pang araw-araw ng isang lalaki sa Isabela.

Sa kabila ng katayuan sa buhay, nakapagtapos sa kursong Public Administration at Cum Laude pa si Joel R. Quitoriano.

Naitaguyod ni Joel ang kanyang pag-aaral sa papamamagitan ng pagtitinda araw-araw ng ice candy.


Hindi naman po dapat ikahiya ‘yung pagiging working student, basta po marangan ‘yung ginagawa mo,” ani Joel.

Bunga ng pagpupursigi, bukod sa nakabili ng refrigerator si Joel, nakapag-ampon din siya ng isang bata, na isinama niya sa kanyang creative shot sa graduation picture.

Facebook Comments