Jersey ng pumanaw na Boston Celtics legend na si Bill Russell, permanenteng ireretiro na ng NBA

Permanente nang ireretiro ng National Basketball Association (NBA) ang No.6 jersey ni namayapang Boston Celtics legend at civil rights activist na si Bill Russell.

Ibig sabihin nito ay hindi na pwedeng gamitin ng mga susunod na henerasyon ng manlalaro ang naturang numero.

Ayon sa pamunuan ng NBA, maglalagay din sila ng patch sa mga jersey ng mga manlalaro bilang pag-alala sa 11-time champion at gagamit din ng logo na hugis shamrock o tatlong dahon na cloverleaf sa mga basketball courts na gagamitin sa NBA season 2022-23.


Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na dapat lang pangaralan ang walang kapantay na tagumpay ni Rusell sa hardcourt maging sa pangunguna ng civil rights activism laban sa Vietnamese war.

Si Bill Rusell ay pumanaw sa edad na 88.

Facebook Comments