259 KILO NG MISHANDLED NA KARNE NG MANOK, NASAMSAM SA LAOAC AT MANAOAG, PANGASINAN

Nasamsam ng National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center 1 o NMIS RTOC One ang 259 kilo ng mishandled na karne ng manok na walang kaukulang dokumento sa isinagawang enforcement activity sa mga bayan ng Laoac at Manaoag, Pangasinan noong Oktubre 23, 2026.

‎
‎Ayon sa NMIS RTOC 1, isinailalim sa police blotter ang mga nakumpiskang produkto sa himpilan ng pulisya.
‎

‎Matapos nito, isinagawa ang wastong pagdispose sa mga nakumpiskang karne sa pamamagitan ng paglilibing.

Nasaksihan ang proseso ng mga tauhan ng NMIS, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, police escort, at mga may-ari ng mga produkto.
‎

‎Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng NMIS RTOC 1 sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ligtas, dekalidad, at angkop para sa konsumo ng publiko ang mga karne na ibinebenta sa merkado.

‎ ‎Layunin ng mga operasyong ito na mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan at maiwasan ang pagkalat ng mga produktong karne na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments