Libo-libong katao ang inaasahan na dadagsa sa bangusan street party, kalutan ed dalan ngayong araw, abril 30, 2026 na kung saan handa na rin ang ating mga ahensya gaya na lamang ng City Health Office para sa seguridad at kaligtasan ng publiko.
Handa na ang iba’t ibang sangay ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan para sa Bangusan Street Party, Kalutan ed Dalan mamaya.
Sa panayam kay City Health Officer Dr. Maria Julita P. De Venecia, ipapakalat ang mahigit 100 personnel at magtatayo ng mga air-conditioned medical tents sa bawat area para sa mabilis na responde.
Samantala, ayon naman kay CDRRMO Head Ronald de Guzman activated na ang El Niño Task Force at nakahanda na ang mga medical team katuwang ang PNP, BFP, Red Cross, at mga pribadong ospital.
Pinayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig, magsuot ng magaang damit, at bantayan ang kalusugan upang maiwasan ang heat-related illnesses sa kasagsagan ng pagtitipon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








