RICE PADDY ART, INILUNSAD SA ALAMINOS CITY TECHNO-DEMO FARM

Inilunsad ang ikatlong Rice Paddy Art sa techno-demo farm ng Alaminos City sa Barangay Tangcarang.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ginamit ang pagtatanim ng palay alinsunod sa kampanya sa panghihikayat ng mga kabataan na pag-aralan ang larangan ng agrikultura.

Dumalo sa paglulunsad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga lider ng lokal na mga magsasaka, mga guro at estudyante ng Alaminos City National High School, at mga kawani ng City Agriculture Office.

Isinasagawa ang proyekto katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Highlight sa programa ang pagpapakita ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pagpapalakas ng interes ng kabataan sa mga kursong pang-agrikultura.

Ang Rice Paddy Art ay ikatlong edisyon na ng proyekto sa lungsod. Bahagi ito ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan na gawing lugar para sa pagpapakita at pag-aaral ng mga makabagong pamamaraan sa agrikultura ang Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments