Nagbigay ng lecture ang DOST-PAGASA Dagupan sa Weather and Climate Awareness Seminar na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Mapandan, Pangasinan noong Hulyo 14, 2026.
Bahagi umano ito ng paggunita sa National Disaster Resilience Month 2026.
Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, ibinahagi ang usapin kaugnay ng lagay ng panahon at klima, kabilang ang El Niño, mga bagyo, at iba pang weather hazards na maaaring makaapekto sa mga komunidad.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng tamang pag-unawa sa weather information bilang suporta sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.
Kasabay nito, isinagawa rin ang Restricted Land Mobile Radio (RLMR) Operations Seminar, kung saan tinalakay ang wastong paggamit ng RLMR sa panahon ng mga emergency at disaster response.
Kabilang sa mga dumalo sa seminar ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), School DRRM Coordinators, School Heads, Ambulance Drivers, mga kinatawan ng MAPTE, General Services Office (GSO), Rural Health Unit (RHU), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










