Thursday, July 16, 2026

BAGONG TULAY SA SAN FABIAN, PORMAL NANG PINASINAYAAN

Pormal nang pinasinayaan ang Sobol Baybay East Bridge sa Barangay Sobol, San Fabian, Pangasinan noong Hulyo 14, 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang magpapabilis at magpapaligtas sa paglalakbay ng mga residente at iba pang dumaraan sa lugar ang pagpapagawa sa naturang tulay.

Ang bagong tulay ay magsisilbing mahalagang koneksyon para sa pang-araw-araw na biyahe at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

Dinaluhan ang seremonya ng inagurasyon ng mga pangunahing opisyal ng pamahalaan at mga stakeholder, kabilang ang Barangay Council ng Sobol, mga opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang lokal na opisyal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments